Pagsukat at Pagsubaybay sa Pag-unlad ng Pamilya
Ang 4Ps Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad ay isang sistematikong pamamaraan at kasangkapan na nagbibigay-daan upang sukatin, subaybayan, at gabayan ang pagsulong ng mga partner-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Information Sheet Overview
Ang impormasyon sheet ay naglalaman ng mga pangunahing detalye ng pamilya at sinusuri sa pamamagitan ng Likert scale (marka 1-4) at pasalaysay na sagot.
Nakatuon sa 6 na Pangunahing Saklaw
Mga Layunin ng Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad
Ang bawat benepisyaryo ay sinusuri at ginagabayan sa pamamagitan ng mga sumusunod na haligi ng pag-unlad:
Katatasan sa Programa
Pag-unawa ng mga benepisyaryo sa mga pangunahing layunin, pamantayan at kondisyon ng programa at kamalayan sa 4Ps.
Edukasyon
Kamalayan ng mga benepisyaryo sa mga kondisyon sa edukasyon, pagtiyak na ang mga bata ay regular na pumapasok sa paaralan, at pagsuporta ng mga tagapag-alaga.
Kalusugan
Pagsubaybay sa mga kondisyon ng kalusugan at pagtiyak ng access sa mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa buong pamilya.
Nutrisyon
Pagtataguyod ng malusog na mga gawi sa pagkain, pagpapalakas sa seguridad sa pagkain, at pagtiyak ng wastong paglaki at pag-unlad ng mga bata.
Pamamahala sa Buhay Pamilya
Pangkalahatang kagalingan at pamamahala ng buhay pamilya, pagtataguyod ng kabuuang pag-unlad ng pamilya at papel nito sa loob ng mas malawak na komunidad.
Kabuhayan at Kaalaman sa Pananalapi
Naglalayong suriin at pahusayin ang kaalaman sa pananalapi at kabuhayan ng mga pamilya para sa katatagan at paglago ng ekonomiya.
Paraan ng Pagsusuri
Dalawang Bahagi ng Pagsusuri
Ang pagsusuri sa 4Ps Talaan ng Pagbabago at Pag-unlad ay ginagawa nang may sistematikong pamamaraan upang masigurong tumpak at kapaki-pakinabang ang nakukuhang resulta.
Unang Bahagi: Likert Scale
Pagsagot sa mga pahayag gamit ang sukat ng Likert (marka mula 1 hanggang 4).
Ikalawang Bahagi: Pasalaysay na Sagot
Pagsisiyasat ng mga tanong sa pamamagitan ng mas malalim at kwalitatibong pasalaysay na sagot.
Layunin sa Pagpapatupad
- Maglingkod bilang gabay sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at serbisyo.
- Pagsuporta sa Family Development Sessions (FDS) para sa mga benepisyaryo.
- Pagtiyak sa sustainable development at pagsarili ng pamilyang Pilipino.